How to make a concept map?

Napanood ko sa TEDxTalks kung ano ang magandang idudulot ng paggawa ng mind map o concept map. Tinuro rin samin ng teacher ko (science) kung pano to gawin at dahil sa kanya mas naintindihan ko ang mga concepts na tinuturo nya samin kasi mas naging malinaw sa utak ko ung relationship ng circulatory system sa respiratory system (halimbawa lang). Dahil sa concept map navivisualize ko nang maayos kasi yung relationship ng ganito ay connected pala sa ganun. Mas maganda rin to gamitin kung memorization at enumeration ang aaralin mo.

Ayon din sa sinabi ni Hazel Wagner, mas mainam tong gawin kaysa sa pagsulat ng outline.

Step 1: Kumuha nang papel na malinis, mas maganda kung walang mga linya (notebook) o bond paper.

Step 2: Isulat sa gitna kung ano ang pinakatopic na gusto mong aralin. (Red)

Step 3: Isulat ang mga subtopic. (Blue)

Step 4: Gumawa ng mga sangay na sumusuporta sa bawat subtopic. (Red)

Step 5: Isulat mo na lahat ng mga impormasyon sa bawat topic.

Tips sa pagsulat:

  • Mas mainam kung isusulat mo ang mga impormasyon base sa pagkakaintindi mo. Wag ka laging kumopya sa libro, isulat mo kung ano ang iniisip mo tungkol sa paksa.
  • Hangga’t maaari gumamit ng phrases, wag sentences.
  • Be more creative, mas nadadalian ang utak natin na magstore ng mga imporsmasyon kung makulay at madali nating mavisualize ang isang topic.

Basahin mo lagi ang ginawa mo para maalala mo nang paunti unti ang impormasyon at sa pagdating exam day mo, di mo na kailangang magpuyat para magreview.

Isa lamang ito sa mga ginagawa ko para sa #StudySmarterNotJustHarder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.