Halos dalawang taon na rin ang nakalipas noong huling makalabas tayong ligtas na walang pangambang magkasakit. Nakakasawa at nakakapagod na ang paulit ulit na nating ginagawa. Kaya namannnn! Di kami nakatiis sa quarantine period na ito. Ngayong November 2021, napagpasyahan naming magkakaibigan na maghike sa Mt. Arayat. Buti na lang may JES hikers (Calamba) at sa kanila kami sumama. (Nasa baba ang contact information nila)
Simula Mayapa, Calamba City – dito ang napag usapan naming hintayan para sa vam 11: 15 PM kami umalis. Nag usap usap na rin kami dito kung ano ano ang mga dala namin haha! Sa sobrang excited nagshare na kami ng foods at expectations sa pag hike. Sabi kasi major hike na raw tong Arayat (mas mahirap para sa beginners). Sige nga tingnan natin!
2:30AM kami nakarating sa paanan ng Arayat. Dito na rin kami naghanda ng mga necessities at iniwan ang iba naming damit sa sasakyan. Nag almusal, nagpahinga at nag secure guide briefing na rin. Sabi ng tour guide namin may 90 degree daw kaming aakyatin at hahawak kami sa puno o ugat para lang makaakyat. Napalunok na lang ako ng laway sa takot habang pinapakinggan ko siya. “Kakayanin ko kaya?”. Magdala rin daw ng asin para kain kainin kung sakaling pulikatin o para maiwasan (?) di ko na tanda ang dahilan ng asin. Buti na lang pinagdala ako ni mama! Kinukwestyon ko pa siya e, kakailangan din pala. Nagkaron na ako ng lakas ng loob para sumama. (Aba sayang ang bayad at experience kung magbaback out hahaha)
3:40AM – nagsimula na kaming maglakad lahat. Ang dilimm mahalaga na magdala ka ng flashlight para di sayang sa battery ng phone mo. Sayang ang pictorial kung lowbat naman ang phone mo. Sa paglalakad namin, nakakarami kami ng pahinga. Sabi naman nila, mahalaga na makarating ka at magpahinga wag magmamadaling maabutan ang sunrise kasi baka di ka rin makarating sa tuktok na wala ubos na ang lakas mo. Magpahinga at uminom ng tubig. ok? Ready mo ang 2L kasi siguradong ubos yan.
Yeyy! Di ko na alam ang oras nito pero ang saya kasi narating na namin ang pinnacle peak! Ang ganda ng view sa taas! Yung nasa likod namin ay South Peak na yan. Dadaan muna sa Monkey Trail bago makarating dyan. Nandun na rin ang sinasabi nilang 90 degree sa pag akyat kaya ingat talaga. Wag mag aalala kasi tutulungan ka ng tour guide at may lubid. (Walang picture sa monkey trail kasi di na namin naalala pero exciting yun. Wag ka lang kabahan kasi kaunting maling step mo lang, malalaglag ka na sa bangin na 90 degree.
Finally! Nakarating na sa final destination – South Peak. Just enjoy the view na lang at enjoy every moment kasi pilahan to. Dapat 2-3 persons lang daw ang magicture dyan kasi matarik at masikip. Pero we are always together and rule breaker! hahaha Kasya ang five persons (maximum) para sa South Peak.
Yeheyyyy! Ito na ang pagbaba. Kumpara sa kabilang side na inakyatan namin, hindi dito mas matarik. Kaya lang may malalaking bato pa rin at matitinik na halaman. Ingat na lang sa pagbaba!
SKL: Di ko nagamit ang asin kasi di naman ako pinulikat. Magdala ka na lang ng energy drink (Gatorade) para sa electrolytes na kailangan ng katawan mo. Mararamdaman mong nanginginig na ang tuhod mo sa pagbaba. Goodluck!
Di rin naman pala nakakatakot na akyatin to, nakakalula lang talaga. Yung sa gilid gilid, bangin na talaga yun kaya ingat talaga sa paglalakad. Pero wag ka matakot. Wag ka sanang maunahan ng takot sa pag akyat kasi baka di ka na makarating at magback out na. Sayang ang bayad at experience!
Spolier alert: Marami kang makikitang kakaibang insekto at wormies dun!
Itinerary of JES Hikers | 12:00- ETA to Arayat (Calamba) 02:00- ETD Arayat. Rest, Almusal, Secure Guide briefing 04:00- Start trek 04:30- Bato 05:00- Viewing Area 05:30- Virgin Forest 08:00- Pinnacle Viewdeck 09:00- Start Descend going to monkey trail 09:30- Monkey trail 10:00- South Peak View Deck 11:00- South Peak Camp Site 13:00- Start Descend 14:00- Durungawan 15:00- Open Area 16:00- Exit point. Wash up na 18:00- Going to Calamba Drop Point 20:00- Drop Point. Ingat ang lahat sa pag uwi. |
Contact: | Kuya Joseph – 09661797692 JES Hikers Facebook Page |
Fee | P 1700 |
Inclusions | Van Rental Tourguide Registration Fee |
Free | T – Shirt Bagtag |
Exclusions | Food Poorever mo |
Things to Bring | Water (2-3 L) Headlamp / Flashlight PackLunch Trail Foods (candies, small snacks) |
Habang umaakyat, naiisip kong kailangan mong gumamit ng gloves kasi kakapit ka talaga sa baging, ugat at lubid na magaspang. Pero nakababa naman kami na di kinalyo o nasugatan ang kamay. Kung gusto mo magdala ng gloves, go lang. Expect mo na marami kang kakapitan at batong malalaki.
“Ano ba ang magandang gamitin sa paa para sa paghike? Sandals o closed shoes?”
Ikaw bahala kung san ka mas komportable, pero nirecommend ng kaibigan ko na gumamit ng sandals para makahinga hinga ang paa. Kaya bumili na ako ng sandals na Sandugo sa shopee.
Shopee Link: https://shp.ee/ex7hm27
Nagbaon pa ako ng sapatos para sure na hanggang pagbaba may sapin ako sa paa. Buti na lang at di napigtal ang sandals, mas ok para sakin ang sandals kasi komportable sa paa.