Farm Experience at RENALA Farm | Nueva Ecija

people in the farm and selfies

Matagal ko na gustong maranasan ang magtanim ng palay sa Bicol pero di ko inaasahan na mararanasan ko pa pala yun sa ibang lugar kasama ang mga mentors ko sa Bokashi Pinoy! I’m so excited na ikwento ko to sa inyo <3

Nakakatuwang makilala ang mga magsasaka sa Nueva Ecija, partikular sa Renala Farm. Sa pagkukwento pa lang ni Kuya Ramir tungkol sa kung paano niya naibalik ang kaniyang lugar mula sa pagkalunod sa kemikal hanggang sa maging organiko muli, nakakalula at nakakatuwa na nagiging maayos na ang kaniyang lupang sakahan.

Sabi nga niya, mahirap magpalago ng organikong mga produkto lalo na kung ang nasa paligid mo naman ay gumagamit ng matatapang na kemikal. Napakasakit isipin na kahit may isang tao na pilit na gumagamit ng natural at organikong paraan, mas marami pa ring tao na mas gusto gumamit ng kemikal.

Sino nga ba naman ang gugustuhing mawala ang pinaghirapan mo nang matagal at di rin maaani?

Dagdag ko nga pala, siguro napapapaisip na kayo kung anong ibig sabihin ng RENALA Farm?

Ang ReNaLa farm ay “Rehabilitating Natural Land“. Now you know?

Sila rin ang business partner ng Bokashi Pinoy na kung saan, dito ginagawa ang bokashi ipa. Di lang pala palay ang napapakinabangan dito! Diba sa normal na magsasaka, tinatapon na lang ipa? Para sa kanila at sa Bokashi Pinoy, ito na ang gold dahil ito ang pinakang ginagamit para sa pagferment ng food wastes. Sulit na sulit ang ipa at salamat sa Bokashi Pinoy dahil nakakatulong pa sila sa magsasaka dito (dagdag trabaho).

Sa pagbisita namin, nakilala ko si Kuya Ramir kung gaano siya pursigido na matulungan ang kapwa magsasaka na wag na gagamit ng kemikal para sa paghahalaman. Ibinihagi rin niya kung paano nakatulong ang bokashi leachate para sa puno ng niyog na sampung taon nang di namumunga!

Pagkatapos niyang magbahagi ng kwento tungkol sa kung ano ang itsura ng lupa niya at ngayon at paano niya naibangon muli ito, tinuruan niya na kami nagtanim ng palay! For the first time yeheeyy maeexperience ko na rin to!

Kung papanoorin ang mga bihasa na sa pagtatanim, akala natin madali lang kasi mabilis na nila itong nagagawa pero kung ikaw ang susubok, nako ang hirap pala talaga! Sa tingin ko, pag sumubok ako ng maraming beses, bibilis na rin ako tulad ni ate King King (siya rin ang nagturo samin kung pano humawak sa palay at pano itanim).

“Imagine nyo pa noong araw walang mechanise farming, pati pag aararo gamit kalabaw”, sabi ni Kuya Ramir. Salamat din sa mga modernong gamit ngayon, kahit papaano ay nababawasan ang hirap ng mga kapwa nating magsasaka.

Naisip ko rin habang nagtatanim kami, “Kailangan pa kaya nating lahat na maranasan ang pagtatanim ng palay bago mapahalagahan at suportahan ang produkto ng mga magsasakang Pilipino?”. Naintindihan ko na rin kung bakit palaging sinasabi ng magulang ko, “wag kang mag aaksaya ng kahit isang butil ng kanin mo, bawat isa nyan ay may kasamang pagsisikap ng mga magsasaka!”

Kasama rin sa farm experience namin ang pagtingin tingin sa mga gulay ni Kuya Ramir! Ang daming helpful tips na makukuha mo sa kanya lalo na gamit niya ang bokashied fod waste na ginawa ng mga certified bokashi pinoy practitioners na ginagawa tuwing feed the soil event.

Exclusive for certified bokashi practitioner: bonding with farmers and mentors. Gusto mo ba yorn? Gusto ko yorn! Sana pati ikaw, makasama namin sa pagbisita sa farms at makita mo ang magsasaka.

Bago ka maging certified practitioner, kailangan mo munang sumali sa 30 Day garbage to garden experience para malaman mo kung ano ano ang dapat at di dapat gawin sa pagbokashi para ok na ok sa pagdonate ng food wastes natin.

Ayaw mo ba nun? Mapapakinabangan mo pa ang food wastes mo para ihalo sa lupa o di kaya naman maiidonate mo pa ang basura mo sa mga magsasaka. Support local farmers!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.