Student Friendly Resort where you can unwind: Caliraya Resort Club

Student Friendly Resort where you can unwind

Sa dinami rami ng ginagawa natin as students at online class pa, deserve talaga nating mag unwind paminsan minsan! Kaya samahan n’yo ko hanggang dulo sa pagshare ko sa inyo kung ano ano ang pwede nyong gawin sa Caliraya Resort.

Bago kami pumunta sa resort, sinigurado na ng mga kaibigan ko na nakapagpabook na kami. Nagmessage lang sila sa Caliraya Facebook page at nagbayad through GCASH.

Kaming apat ay manggagaling pa sa Calamba, Laguna kaya may call time kami na 5:30 ay dapat nasa Crossing Terminal na. Sumakay kami papunta sa Sta Cruz (55 pesos) at nakarating kami sa bayan nung bandang alas otso na. Nameet na rin namin ang isa naming kasama na si Cha! Nag almusal at nagpahinga kami saglit sa plaza ng Sta. Cruz at sumakay uli kami sa jeep na may “Lumban” (20 pesos). Papunta na kami sa Lewin kung saan sasakay kami ng tricycle paakyat, kung saan nandun ang Caliraya (150 pesos ang bayad kung 5 na kayong magkakasama).

Pagbaba namin ng tricycle, sumakay na kami sa Ferry para sa pagtawid (libre) at sumakay uli kami ng jeep (libre) para mag-in. Di na kami nag avail pa ng kwarto kasi Day Tour ang ginawa namin kaya kung saan ang may swimming pool at upuan, doon na kami pumwesto, pwede rin sa kubo.

May rules ang Caliraya resort na tuwing umaga, 8 am to 12 nn ay mga outdoor facilities ang sasakyan at sa hapon naman 1pm to 5 pm ay puro water front facilities naman. Kaya naman, inuna na namin ang Sky Bicycle at sumunod naman ang Slide Pinoy (mini zipline, libre lang ito kaya unlimited) kung saan, dito kami naligo ng kalawang. Habang nasa sky bicycle pa lang kasi ay umulan na at di rin kami makakasakay ng superman zipline (mahaba at mataas na zipline) kasi umuulan kaya naman natripan namin ang Mini Zipline. Sa sobrang saya namin, di na namin napansin ang kalawang na pala ang tumutulo sa mga mukha at damit namin! Akala lang namin ay putek pero yun pala ay kalawang na! Di na rin namin nahintay na tumila ang ambon kasi mabibitin lang kami haha!

Sunod naman nito ay sinubukan ng matatapang kong kaibigan ang giant swing! Nakikita ko pa lang sila na pataas at papalayo samin, natatakot na ako sa sobrang kaba para sa kanila. At sa sobrang dugyot namin ay kumain na muna kami. Sa promo na binili namin ay kasama na dun ang mga sinasabi kong libreng rides (ferry, jeep, mini zipline, mudslides, swimming pool at wavepool) pati mga foods! Grabe sa foods, sobrang sarap at sulit kasi ang dami. Di kami nabitin, may natira pa nga kami para naman sa meryenda.

Pagkatapos namin kumain ay nagpalit na ng damit at nilabhan ng konti ang damit na puro kalawang (mayayari sa magulang e). Nagswimming na may kasamang libreng life vest pa! Oh san ka pa? Sulit na sulit! Dito lang ako nakapagswimming sa 12 ft kasi may life vest haha! Kasunod naman nito ay pumunta kami sa Canoe at Kayak, dun din namin nasulit ang pag unwind. Yung tipong mga baka, tupa, kabayo, puno at dagat lang ang makikita mo, napakarefreshing makita sila. Sobrang nag enjoy din kami sa pagsasagwan!

Napansin namin na lumalakas na rin ang alon sa lake kaya umahon na kami, ang sinunod naman naming gawin ay mudslides (libre). Isa pa tong masaya gawin! Pagkatapos ng mudslides ay nagshower muna kami bago magswimming. Grabe naman kasi kung galing ka sa putikan tapos magsuswimming ka diba? Respeto sa mga gumagamit ng pool at sa maglilinis. Nakakapagod pero ang saya kaya naman kinain uli namin ang tira naming foods nung lunch.

Kahit pagod na, nagtry pa rin kami magswimming sa wave pool! Totoo nga ang sinasabi nila no? Kahit anong galing sa pag langoy pero kung malalaking alon naman ang madadatnan mo, delikado na. Natry ko rin kasi na pumunta sa gitna, kahit may life vest ako para akong malulunod. Maski ang isa naming kaibigan ay naexperience din na para kang malulunod. Akala ko nga pinulikat siya, yun pala nagpanic rin. Kaya kung nasa wavepool ka, ingat ingat din ha, wag magpapanic at maganda kung may kasama.

Mga nagastos namin mula Calamba to Caliraya

Mga sasakyan papunta at pauwiPamasahe
Papunta
Crossing to Calamba55
Sta. Cruz to Lumban 20
Tricycle paakat sa Caliraya150 pesos for 5 persons
Pauwi
Tricycle 500 pesos for 5 persons**
Jeep papunta sa bayan ng Sta. Cruz20
Sta. Cruz to Crossing60

NOTE:

  • Kung naabuutan nyo ang ulan, wag na muna kayo maglalaro sa mini zipline kasi magagaya kayo samin na naligo ng kalawang.
  • Para di kayo mapamahal sa singil ng tricycle pababa, mas maganda kung hingin nyo na ang contact ng sinakyan nyong tricycle paakyat. Kaya mahal ang singil samin ni manong driver kasi madilim na at sabi niya rin kasi ganun daw talaga ang singil. Ewan ko lang sa kanya. Maganda talaga kung makausap nyo na ang driver ng tricycle nung sinakyan nyo paakyat para hihintayin niya na lang kayo paglabas sa resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.