Paano mag apply ng passport as a Filipino college student?

philippine passport

Kapag sinabing “passport” akala natin may mag aabroad na. Hahahaha ganun rin ba naiisip mo? Pwede naman nating isipin na nag apply sya ng passport para sa valid ID niya diba? Ito kasi ang sa tingin kong pinakasulit na valid ID. Bakit?

Sa panahon ngayon, pwede ka na kumita online. For example, online seller ka sa shopee o lazada at need mo ng bank account para less hassle sa transaction. Baka naman ikaw ay freelancer at kailangan mong matanggap ang sweldo through paypal to bank account. Bago makaopen ng bank account kailangan muna natin ng valid id. Unang una sa list ang passport o driver’s license. Syempre as college student, anong mas affordable kunin? Alam mo na siguro ang sagot *wink*. Di na rin tayo minor para umasa sa bank account ng mas naktatanda satin.

Why you should get a passport habang student pa lang?

As a college student, perks na natin tong makapag apply habang di pa nakakagraduate kasi napakadali ng requirements para satin. Tsaka kung magoopen ka ng bank accounts, hinahanap lagi ang passport as valid ID. Kung may nakapagsabi nga sakin na mag apply ako ng passport agad kaysa postal, edi sana ginawa ko na. Ang passport ay 10 yrs validity tapos nasa 1150 lang ang nagastos ko plus pamasahe sa pag apply. Eh ang postal ID ay nasa 500-600 pesos tapos 3 yrs lang expired na. May ibang bank account pa na di tumatanggap ng postal ID. Kaya kung ako sayo, i-prioritize mo ang pag iipon at pagkuha ng passport kasi sulit ang babayaran mo dito!

How to apply as a student?

1. Asikasuhin mo muna kung anong requirements ang kailangan mong dalhin bago ka makapag apply.

As a 4th year college student, nagrequest lang ako ng Certification of Enrollment sa registrar namin. Para makasigurado, dinala ko na rin ang school ID ko. Ang sabi dito sa list of valid IDsSchool ID (if applicable) or Certificate of Enrolment with photo of minor and dry seal of school (if School ID is not applicable) – this only applies to student applicants“. Baka kasi hanapan ako ng ID o kaya picture kaya nagpakasigurado na ako na school ID ang dinala ko. Dapat maayos ang mukha mo sa pagkaxerox ha kasi kung hindi, hahanapan ka ng ibang ID.

2. Mag set ka na ng appointment.

Go to https://www.passport.gov.ph/appointment para makapagpa – appoint ka.

Pwedeng individual at group appointment. May kasama ako kaya ang sinet kong pag appoint ay group. Take note ha, hanggang group of 5 people ang maximum number. Sa group appointment, di pwedeng kanya kanyang magfill out ng information, dapat isa lang. Kung magkakasama kayo sa iisang lugar at may isang device, pwede kanya kanya pero kung magkakahiwalaly kayo ng lugar dapat masagot ka niya habang nagpifillout ka. Ang website ng pagpapaappoint kasi ay tuloy tuloy ang pag input ng information, for example ikaw si Applicant 1 pagkatapos mong sagutan ang iyo, sunod na ang applicant 2. Di pwede ipasa ang link kung ikaw ang nagset na ng appointment.

How much I spent?

Total: 1150 pesos for passport and delivery. More or less 350 pesos para sa pamasahe at foods.

Passport Fee

Sa pagpapa appoint, may dalawang pagpipiliian sa pagbayad, may over the counter at debit/credit. Ang pinili namin nun ay “over the counter” which means magbabayad kami sa Bayad Center. Kung 950 pesos ang passport, magdadagdag pa ng 50 pesos para sa convenience fee so bale 1000 pesos para sa passport. May i-email sayo na reference number para makabayad ka sa Bayad Center. Sa lagay namin, nakatanggap na kami ng reference number pero di kami pumunta sa Bayad Center at nagbayad kami gamit ang Gcash at nilagay lang ang reference number. Ganito ang itsura ng resibo:

Yung Account ay number ko sa GCASH at yung Account Number naman ay yung reference number na inemail sayo.

After mo mapicturean at mag apply ng passport, tatanungin ka ng clerk kung pick or delivery. Pag delivery naman, magbabayad ka ng another 150 pesos para sa delivery fee. Mas mura ang deliver kaysa pick up.

Fare fee as student

Galing kami sa Calamba at nagpa appoint kami sa Alabang. Wala kasi yung sa San Pedro kaya pinili na namin yung Alabang Town Center. Ganito ang breakdown ng pamasahe namin

Modern Jeep: Calamba to Star Mall56 pesos
Jeep: from Star Mall to Alabang Town Center12 pesos
Jeep: Alabang Town Center to Star Mall 12
Modern Jeep: Star Mall to Calamba 56
Di pa kasama dito ang budget para sa foods at pamasahe hanggang bahay ninyo

Umalis kami sa Calamba ng 8:30 at nakarating kami sa Alabang Town Center ng bandang 10 am. Pagkababa namin sa Modern Jeep, nagtanong tanong kami kung san ang sakayan ng papuntang ATC (Alabang Town Center), magtanong tanong ha basic surviving skill yan. char hahaha! Napakamahal kung magga Grab ka, ‘pag jeep ay dose pesos lang. Magrequest ka na rin sa jeepney driver na ibaba kayo sa ATC mismo.

Ang naiset naming oras ay 11 am to 12 noon pero pumila na agad kami pagkarating sa 4th floor kasi di naman sila mahigpit sa oras, mahalaga ay nakapila ka na. Yung guard pa nga ang nagsabi samin na pumila na agad kami sa Step 1 kahit 10 am pa lang nun. After ng step 1, nag ayos muna kami ng buhok at nagmake up para fresh look pa rin. Pumila kami sa step 2 ng bandang 11:30 na at natapos ng 1 pm.

@belly_bellsss

How we get our passport as college student in PH. Read the full guide in my blog. (bellybells.wordpress.com). Link in bio

♬ original sound – Belly Bells – Belly Bells

Anong masasabi ko sa Alabang Town Center?

No hassle! Napakabilis ng process sa Alabang Town Center. Speaking of mabilis, I mean di ako nagkaproblema o di na ako bumalik sa ATC. Pagpunta namin sa mall, pila agad hanggang matapos. Yung delivery date naman, expected namin ay sa Nov 11- 15 maiideliver. October 20 kami nagprocess and dumating nung Novemeber 1. Nagtext pa nga sakin na idedeliver daw sakin nung Oct 29 pero dahil may bagyo nun, nadelay na kaya natanggap ko nung November 1. Di 100% na kung anong naexperience namin ay maeexperinece nyo rin kaya lower your expectations pa rin para no disappointments.

Goodluck sa pagapply at yayain mo ang tropa!

Yes, yayain mo talaga kasi malay mo gusto rin nila naghahanap lang sila ng kasama. Feel free to send this blog to them.

Thank you for reading!

—- Update as of September 11, 2023 —-

Isheshare ko rin sa inyo yung experience namin sa pag asikaso ng passport mula Calamba hanggang San Pedro. Same process lang din, piliin ang lugar, magpa appoint muna at iprint and dapat na iprint.

From Crossing to San Pedro, 55 pesos lang ang binayaran namin sa pamasahe. Maganda kung dun ka na sasakay sa Crossing Terminal kasi dumadaan sila sa SLEX. Di ko lang alam kung ang San Pedro na nagbabayan bayan ay umaabot dun sa Robinsons Galleria.

Nakakatuwa dun kasi walang pila kaya mabilis lang ang proseso. Huwebes kami pumunta dun at napakaluwag talaga. Nag aalangan ako dito kasi sabi “temporary off site” kaya ako pumunta pa sa Alabang pero pwedeng pwede naman pala dito sa San Pedro, mabilis pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.