Tatlong pagpipilian pag nakatapos na sa Senior High: Trabaho, Negosyo o Kolehiyo

College, Work or Business

Ito na ang panahon para sa transition mo from high school to college. Alam kong kinakabahan ka pero excited (ify!) takot kang mag adjust sa bago mong papasukan? Mahihiwalay ka na rin sa mga kaibigan mo, ung iba naman kailangang pang mag aral sa ibang lugar na malayo sa kanilang magulang.

Siguro naiisip mo rin ang ganto, “Gusto ko na muna magtrabaho para makatulong sa magulang ko. 18 years old naman na ako pwede na ako magtrabaho, di na ako mag aaral.”

Alam mo? Dumaan na rin ako sa ganyang pag ooverthink. Oo, gusto ko na makatulong sa magulag ko noon. Tuwang tuwa pa nga ako nung natapos na ang senior high ko. Kala ko yun na ung magpapalaya sakin (wow nakakulong?) Hindi, I mean 18 na ako, malaya na akong magdesisyon para sa sarili ko. Tsaka pagkatapos ng senior high, may tatlong pagpipilian na tayo diba?

Yun ang alam natin. Pero sa realidad hindi ganun kadali, depende sa sitwasyon, sa iba at sa sarili mo.

  • Kolehiyo
  • Trabaho
  • Negosyo

Ginawa ko yan lahat sa loob ng apat na buwan. At ano ang kinalabasan? Marami akong natutunan.

Una, after graduation sa SHS natanggap agad ako sa trabaho. One week lang ako nag ayos ng requirements, sobrang bilissss di pa ako nakakahinga nung graduation day,nag asikaso agad ako ng mga requirements. Pila sa Philhealth, SSS, PAG IBIG (#adulting hahaha)

Tanggap ko ang nangyayari sakin noon kasi gusto ko ng bago saka alam ko rin a arili ko parte talaga to ng pagtanda. Ayun nga, salang na agad sa trabaho.

ONE WEEK LATEEERRR

Sobrang hirap pala (huhu), nahihirapan ako kasi may night shift pa. Eh musmos pa nga ako sabi nila (hahaha katrabaho ko nagsabi nyan) , 18 year old ako nun. Tinutulungan nila akong mag adjust, tumagal ako dun na 3 weeks hanggang sa magkasakit na ako dahil di ko kinaya ang magtrabaho sa gabi.

Umalis ako. Di lang hirap ang natutunan ko, naging masaya rin naman ako kasi MAY SWELDO HAHAHAH (joke), may bago akong nakilala at pinayuhan nila ako na mag aral muna ako kasi baka pagsisihan ko lang sa huli, at batang bata pa ako (hahaha)

Pangalawa, after ko umalis sa trabaho ko nagpahinga, tambay sa bahay aka tagabantay na rin. Buti na lang may napanood akong pelikula (Title: Suddenly Seventeen) tungkol sa pagiging passionate mo na pwede ring mawala pag lipas ng matagal na panahon. . Hinanap ko talaga ang mga dati kong ginagawa o yung kaya kong gawin (interes) kasi tama nga naman yung aral dun, di dapat natin kinakalimutan ang dating nagpapasaya sating gawin, lalo na kung nagka asawa ka na (wag kang titigil). At ayun nga, bumili ako ng yarn at hook para marecall ko yung dati kong natutunan (Crochet) at ngayon unti unti kong nadedevelop ung pasensya ko sa pagtatahi (binebenta ko rin ang mga tinatahi ko)

Reseller ako ng kung ano anong product. Yun na rin ang source of income ko kahit papaano. Sa tatlong buwan,mag sscroll sa facebook, magbebenta at magtatahi lang ako. Di man full time atleast kumikita ako na marangal at natututo rin akong dumiskarte ( di nangungupit hahah)

Habang bakasyon ka, grab this opportunity para mas makilala mo pa ang sarili mo, be productive. Praktis lang nang praktis!

Ito rin ang mga nagawa ko habang bakasyon, may watercolor pala ako di ko alam. Kaya heto nagtry ako at sa tingin ko maganda ang kinalabasan hahah

Pangatlo, sa loob ng apat na buwan marami akong natutunan at naranasan kaya malakas na ang loob ko para mag aral uli. Nakapasa ako at patuloy na nangangarap. Nagsusulat na pangblog, nagtatahi nang gantsilyo, nagbebenta ng kung ano ano. Tinamad akong mag aral noon kasi napagod lang pala ako, di muna nagmuni muni basta overthink lang hahaha!

2nd sem as first year college, masaya ako kung nasan ako ngayon at sa mga nakakasama ko πŸ’œ

Salamat sa Dios dahil may mga guro akong nagbigay sakin ng payo. Mahirap mag aral pero mas mahirap pag nagtatrabaho na, tama nga sila “pag nagtatrabaho ka na mamimiss mong mag aral” kaya enjoy mo lang pag aaral wag atat (hahaha). Pero buti na lang din naranasan ko na magtrabaho, alam ko na kung bakit ganun ang payo nila sakin. “Experience is the best teacher”.

Kaya hanga ako sa mga kakilala kong working student! Saludo ako sa inyo!

Kahit na gaano kahirap ang buhay, isipin mo lang ang “Bakit?” mo. Bakit ka nag aaral? Bakit ka nagpapatuloy? Bakit ka nagtatrabaho?

2 thoughts on “Tatlong pagpipilian pag nakatapos na sa Senior High: Trabaho, Negosyo o Kolehiyo

  1. Hello po. Gustong gusto ko po itong blog mo. I want to use this for motivating my students. Do you have a video of this blog or anything na video na parang nagkukwento or merong naration? Thank you 😊

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.