3 Reasons Why I Switched on Using Menstrual Cup | Filipino

I am happy to share this with you my reasons why I switch on menstrual cup. Masaya din ako na mashesharan ko kayo kasi noong nagreresearch ako, puro US setting or pang foreigners ang nababasa kong review at nagwish pa ko noon na sana may friend akong mapagtatanungan tungkol dito. But now, I am that friend hoho! Open ang aking facebook page at emails para sa inyong katanungan! Lovelots! (Comment n’yo lang kung may tanong kayo)

These are the reasons why I switched to Menstrual Cup:

Kung nagkakarashes ka sa menstrual pads, look for alternative. Your health first!

Mula noon hanggang mag20 ako, mas trip kong gumamit ng cloth menstrual pads AKA pasador kaysa menstrual pads kasi nagkakarashes ako. Pero gumagamit lang ako ng ganun kapag nasa loob lang ng bahay, pag nasa school o may lakad ako sa labas, palaging nakamodess kaya tiis tiis na lang. Di pa rin talaga ako hiyang sa mga nabibili lang sa kung saan, mas komportable ako pag cloth pads at nasa bahay lang. Kaso ang cons naman nito, gastos pa rin kasi palaging lalabhan sa tuwing magpapalit at sayang pa sa sabon at bleach. Kada palit may tagos kaya oras oras din naglalaba, minsan naman paggising may tagos na agad, peroooo good side: walang rashes! May ibang blog post pa ko ng comparison sa cloth pad, cup at branded na pad.

Road to Buhay Zero Waste.

Ayon sa study ng Use of Menstrual Sanitary Products in Women of Reproductive Age: Korea Nurses’ Health Study, mas marami ang gumagamit ng sanitary pads na disposable pa. Sa Korean study pa lang to, at siguradong mas marami rin ang gumagamit ng sanitary pads sa Pilipinas (sana nga may study na rin na PH context). Isipin mo yan? Milyon milyon ang kababaihan sa mundo at tayo tayo rin ang may malaking naambag na kalat dahil tuwing sasapit ang period natin, gumagamit tayo ng pads 4 na beses sa isang araw. Sa isang cycle, ang average na paggamit natin ay more or less 28 na pads! Kaya di na nakakagulat na maski sa dagat o beach ay may lumulutang na menstrual pads.

I support buhay zero waste o zero waste lifestyle kaya ang unang step ko ay magswitch na sa cup. Inabot din ako ng 2 years sa pagreresearch at talagang weird sa una, pero ang biggest why ko ay ang ating mother Earth! Ayaw ko na maging pabigat sa kanya, maraming taon na rin nung gumagamit ako ng pad kaya noong 2020, birthday gift ko sa sarili ko. Polluted na ang mundo at malala na ang climate change, sa simpleng bagay na ito, hindi na ako nakakafeel ng “guilt” sa tuwing darating ang buwan ng dalaw ko, kasi komportable na ako sa gamit ko na cup, madali lang linisin at dugo lang ang tinatapon. No plastic, no waste! Sulit!

Laking tipid!

May images ako sa baba kung pano ko nacompute ang average na gastos ko sa isang taon (kung regular). Sa 8 pesos na kada bili ko, at kung 5 days kada buwan ang period ko, 1920 pesos agad ang nagagastos ko! Kaya nagipon talaga ako ng todo para makabili ng cup kasi, sa isang libo lang may pang 10 years na akong gagamitin! Organicup ang cup ko at sabi, tumatagal ito for ten years! Di ko lang alam sa ibang brand kung umaabot ng ten years, pero maximum na ang 10 years na gamitan (isang cup lang). Imagine.. kung magkano ang matitipid mo sa isang cup for ten years?!

Less maintenance din to. Huhugasan mo lang at ibibilad, ayun okay na! Itago mo na lang uli at linisin. walang rashes, walang itatapon at komportable pa suotin (wala kang mararamdaman na nasa loob to ng vagina mo).

Follow this blog at marami pa akong ipopost related sa paggamit ko ng menstrual cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.