Marxist na pagsusuri sa tulang “Sa Burger Machine” ni Danilo R. dela Cruz

Female buying tasty burger in food truck

Sa Burger Machine
ni Danilo R. de la Cruz Jr.

“Nag-aanyaya
ang talsik ng mantika
sa grill.

Parang juggler,
tinutusta ng crew
ang beef patty
habang nakangangang nakaabang
ang hamburger bun.
Ulap ang limayong usok
sa tungki ng ilong ng kostumer.

Inihain ang order.
Iginawad ang unang kagat.

Sumagitsit ang gutom
sa mukha ng crew.”

Di lang ito simpleng pagluto ng burger, kundi paglalarawan ito kung gaano magkalayo ang sitwasyon ng mahirap at mayaman o “may-kaya” kung ikukumpara. Idinaan niya sa sining ng tula ang pagkukumpara sa dalawang uri ng pamumuhay, na siyang isa pang dahilan kung bakit ito naging isang panitikan.

Ang nais ipahiwatig ng tulang ito ang magkaibang sitwasyon ng dalawang tao. Ang isa ay kayang bilhin ang burger at ang isa naman ay tagapagluto lang. Isang “kostumer” at isang “crew”. Ang isa ay “iginawad ang unang kagat”; ang isa naman ay “sumagitsit ang gutom sa mukha”. Sinasalamin nito ang estado sa buhay: na ang isa ay mahirap, at ang isa ay mayaman.
Una, sa paglalarawan ng mahirap na tao, nasa “burger machine” na alam nating ito ay masikip at mainit. Ang “crew” ay nagtitiis ng gutom na sabi nga sa ikalabing tatlo at ikalabing apat na linya ay “Sumagitsit ang gutom / sa mukha ng crew.” Ito ay habang nakikita niyang nakakain ang customer niya, (“Iginawad ang unang kagat.”) Ang proseso ng pagluto ay maihahambing sa mahirap at sobrang pagod na paghahanapbuhay ng mga tao.

Gusto man kumain ng crew, di niya magagawa dahil malaking kabawasan ito sa sweldo niya kung magluluto siya para sa kaniya. Samantalang ang kostumer, naghihintay na maluto ang burger. Sa totoong buhay ay nangyayari ito. Ang mga crew o mahirap ay todong nagtatrabaho para pagsilbihan ang mayaman ngunit di naman sapat ang sweldo. Nais rin nila makakain o makaranas ng masarap na pagkain o mamahalin ngunit sa kanilang trabaho pa lang ay nakakaranas na ng di makatarungan na pagtrato sa kanila. Habang ang mayaman ay lalong yumayaman dahil sa pagsasakripisyo ng mahihirap na di naman nasasapatan ang kanilang sakripisyo.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.