Paano makasurvive sa Practical Research 2?

Students collaborating for their research
Ang mg bagay na sasabihin ko ay tungkol sa mga naranasan ko bilang HUMSS student. Isinulat ko to para sa mga estudyante ng Senior High High School at para maging tips na rin ito para sa kanila.

 

1. Choose a good title.

Mag isip ka na ng title habang bakasyon pa. Pagdating nyo sa Grade 12, quantitative method ang gagamitin nyo kaya pag isipan na ang research na kakailangaanun ng maraming respondents, kung ano at gaano sila karami. Tips ko lang, ialign nyo na sa strand nyo kung ano ang gusto nyong title. Simulan mo na ang magbrowse habang bakasyon pa para di ka mangangarag sa oras ng pagpropose ng title 😊.

2. Be cooperative.

Ito ang masasabi kong da best na gawin ng bawat isa. Diba ang dahilan kung bakit iginrupo ay para makapag pasa ng thesis para mababawasan ang hirap pagdating sa gawain at gastos. Unfair naman kung pare parehas ng grades tas may kagrupong patulog tulog lang? Bawat isa ay may kakayahang gawin pwedeng tagapagluto ng pagkain nyo, tagahugas ng pinggan, magpahiram ng laptop, translator, taga research.

Mababawasan ang hirap kung magtutulong tulungan, di dahilan kung  walang gamit o “bobo” sa english (walang taong bobo, tamad lang). Makakasurvive kayo nyan at saka ang sarap kaya sa pakiramdam na lahat kayo ay may naiambag o nagawa bago makapagpasa ng papel na nakabookbind na.

Besides, hindi lang naman pang short term ang benefits ng pagiging cooperative sa paggawa ng thesis. Dahil training ground mo tong senior high to prepare you for college, malaking opportunity ang matuto ng paggawa ng thesis for college. Kasi in reality, sa college di na pwede yung lagi nalang nakaasa kasi there are times na you only have “you, yourself and only you” wala ka ng sasandalan pa bukod aa sarili mo. Make yourself interested sa thesis para di ka tamarin sa paggawa. Isipin mo ginagawa mo yan para sa bayan at sarili mong improvement at hindi lang para sa gradesπŸ˜‰ wag sayangin ang opportunity para matuto and see in the future, wala ka nalang masasabi kundi ‘salamat ma’am at sir’ πŸ’“β€

3. Work as a team in a classroom. 

Hinding hindi ko malilimutan yung sinabi samin ng teacher ko na pagdating sa research di lang isang grupo ang nakikinabang kundi ang buong klase. Halimbawa na lang sa  isang grupo na itinama at binigayan ng ng payo ng teacher, bilang isang estudyante  kailangan nya ring ishare sa mga kaklase nya kung ano ung mali o kulang sa thesis nila para di na maulit ang pagchecheck ng teacher nyo. May mabubuo ring mabuting samahan sa  loob pa lang ng silid aralan kung ganitong ugali ang paiiralin nyo. Wag nyo na hintayin pa na ulit ulitin ng teacher nyo ung sermon o mali ng isa kasi gaya gaya naman tayo diba. Di mawawala sa grupo ung tanungan e, minsan may copy paste method na rin. Pano pala kung mali ung ginayahan edi mali na ang buong klase? hahahah naranasan na namin ang ganun e. Sharing is the key.

4. Grab the opportunity to make a business (legal).

Kung sinong may printer sa klase nyo, komonsulta muna sa adviser kung pwedeng dalhin sa room nyo para di na rin kayo mahirapan sa paghahanap ng printing shop. Kung ano ang sinabi ng teacher, sundin nyo. Bago magtayo ng printing shop sa loob ng room. Pwedeng sabihin nila ay kailangan munang gumawa ng business proposal para alam ng principal.

5. Gastos dito, gastos doon.

Alam naman nating magastos ang research. Kaya habang maaga pa o nagsisimula pa lang gumawa, mag ipon na agad kayong magkakagrupo para pagdating ng pasahan di masyadong mabigat sa bulsa. Pwede na ang dos o singko kada araw para after 2 months makakaipon na kayo nyan na kakailanganin nyo sa pagpapaprint at book bind.

6. Be resourceful.

May mga kaklase akong walang laptop (isang grupo na sila ha), ung iba isa lang. Dahil dun napatunatan nila na di dahilan ang walang gamit. Gawan ng paraan. May mga cellphone na tayo na may app na word, wps, at kung may otg connection advantge nyo na yun at syempre maghanda n rin ng flashdrive (aka USB – wrong term kasi ang USB e, dapat talaga flashdrive, search nyo na lang kung bakit hahaha) . Lahat ng mahirap gawin ay may madaling paraan, hanapin mo lang πŸ˜‰

7. Para sa mga lider.

Tandaan nyo to, kayo ay lider ha hindi all around na magtatype, hahanap ng data, mag eexplain. Ipakita mo ang pagiging lider na nag uutos at nag gaguide. Hindi porke walang wifi si ganto, o mahina si ganto sa english e di mo na siya aasahan. Ipakita mo sa kagrupo mo na lahat ay may ginagawa. Meron kasing kagrupo na ayos lang na wag mahirapan basta mag aambag, iassign mo sya sa tingin mo na kaya nya at kung nahihirapan pa rin, kayk na ang mag usap. Nadadaan naman sa matinong usapan e.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.