Perks of using Big Notebook in College

Alam ko na ang pinagkaiba ng paggamit nang notebook na de filler at ung pinakamalaki ang size.

Natutunan ko nung nasa SHS pa lang ako na magastos at ang liit ng space pag de filler kaya di na ako gumamit nun sa college. Alam mo naman siguro kung anong pakiramdam na nagsusulat sa maliit na space? bitin diba? lalo na kung ikaw ay masipag sa pagtake down notes at ikaw pa ang nagsesend ng mga lectures sa mga kaklase mo.

Bago ka gumamit ng malaking notebook, tanungin mo muna ang mga teachers mo kung nirerequire na magpasa ka ng mga notes mo, kung hindi naman, I recommend na malaking ang gamitin mo;

Bakit?

  • Nakakapagsulat ka nang malaya kasi malaki ang space.
  • Nakakapagdrawing ka nang graphs na sakto lang ang space, di maliit kasi di kapos.
  • Masarap sa pakiramdam kapag nagsusulat, di bitin.
  • Mas malaki, mas maraming info ang masusulat mo.
  • Makakapaglagay ka nang mga sticky notes na di natatakpan ung ibang nasulat mo na.
  • Mabilis mong masusundan ang sinasabi ng teacher mo kasi halos isang lecture na ng teacher mo ang kasya dyan, di ka na magpapalipat lipat ng page.
  • Mas magaan dalhin.
  • Ikaw na ang bahalang mag organized sa mga subjects mo.
  • Kapag magpapasend o magpapapicture ang mga kaklase mo ng mga sinulat mo, di ka na mahihirapan sa kakalipat ng page at makakasave ka pa ng storage mo. Kasi halos ung isang lecture nasa isang page lang.

Pwede sa college students ang ganitong notebook kasi ang mga prof naman di na nagrerequire na ipasa ang notebook mo (depende sa school mo), ikaw na lang bahala kung magsusulat ka o hihingi na lang sa kaklase mo.

UPDATE! (February 2020)
Malaking notebook na rin ang gamit ng mga kaklase ko kasi tama nga naman daw, convenient gamitin ang gantong notebook, tsaka di kami required na magpasa ng notes di tulad nung high school kaya may laya kami kung anong gusto naming gawin sa notebook namin.

One thought on “Perks of using Big Notebook in College

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.